Monday, November 26, 2018

Ang Munting Prinsipe



ANG MUNTING PRINSIPE
Isinalin ni Desiderio Chin
Isinulat ni Antoine de Saint-Exupery

PAGKILALA SA MAY AKDA

          Kahit ang kwentong “Ang Munting Prinsipe” ay isa lamang kathang-isip, ang mga naranasan ni Antoine de Saint-Exupery bilang isang piloto ay naging inspirasyon upang isulat niya ang akda. Nagsimula ang istorya sa pagbagsak ng eroplano kung saan nakilala ng tagapagsalaysay ang pangunahing tauhan, ay sumasalamin sa totoong kasawian na nag-iwan sa may akda sa Sahara noong kalagitnaan ng 1930s habang siya ay patungo sa Saigon mula Paris para sa isang airmail run. Kalaunan ay sinabi sa TIME, “Base sa katangian, habang naghihintay ng magsasagip sa disyerto, sinamahan siya ng kanyang imahinasyon, na nag-udyok sa kanya upang gawin and kasiya-siyang pambatang akda, Ang Munting Prinsipe.” Siya’y nagpalakad-lakad sa disyerto bago siya masagip ng dumadaang Bedouin.
          Bago humantong sa pagsulat ng Ang Munting Prinsipe, inilarawan niya ang kanyang naging pagsubok sa librong “Wind, Sand, and Stars”. Ang matinding naranasan niya sa disyerto ay nauwi sa maraming guni-guni at haka-hakang pagkatagpo sa mga kakaibang nilalang. (“Lumakad akong nakatingin sa ibaba”, sabi niya, “sa pagkat ang aking mga nakikita ay hindi ko na kinakaya.”) Ngunit ang librong Wind, Sand, and Stars ay nagsasabi nang higit pa sa inspirasyon ng Ang Munting Prinsipe. Ipinaliwanag din ng TIME noong 1939 sa kanilang pagsusuri sa aklat na may mga pahiwatig sa pilosopiya na makakatulong sa akda bilang maging isa sa pangmatagalang pabula ng dalawampung siglo.

URI NG PANITIKAN
 
          Isinulat ng may-akda ang mahabang piksyon bilang isang nobela kung saan ito ay nahati sa iba’t ibang kabanata. Gumamit ito ng malikhain at maguni-guning paglalahad upang pumukaw ng damdamin ng mambabasa para ito’y maging kawili-wili. Ito ay mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
          Ito ay naglalayong gumising ng diwa at damdamin ng mambabasa gayundin ang manawagan sa talino at guni-guni, mapukaw ang damdamin ng mambabasa, magbigay ng aral, magsilbing daan tungo sa pagbabago, at higit sa lahat, magbigay ng inspirasyon sa mambabasa.

LAYUNIN NG AKDA

          Ang layunin ng may-akda ay matutuhan ng mga mambabasa na kailanman ay hindi aksidente ang pagkakaibigan. Na sa kabila ng pagkakaparepareho, may isang tao o bagay ang mananatiling natatangi para sayo dahil ito ay may kakaibang taglay na halaga para sayo.
          Sabi nga ng alamid, “Narito ang lihim ko. Napakasimple nito: sa pamamagitan ng puso, makakakitang mabuti. Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay.” Nais nitong ipaalam sa mga mambabasa na ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.

TEMA O PAKSA NG AKDA

          Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa mga sumusunod: pagpapahalaga ng pagkakaibigan, hindi pagkakaroon ng makitid na pag-iisip, paglalakabay, adbentura, at pagkakaroon ng relasyon na nagtuturo ng responsibilidad.

MGA KARAKTER/TAUHAN SA AKDA

          Ang pangunahing tauhan sa kwento ay ang piloto kung saan siya ang nagsasalaysay ng kwento. Nariyan din ang munting prinsipe na bida sa kwento na nagmula sa ibang planeta. At ang huli ay ang alamid kung saan siya ang nagturo sa prinsipe ng napakahalagang bagay.
          Ang iba pang mga tauhan ay ang mga sumusunod: ang rosas, ang hari, ang hambog, ang lasenggo, ang mangangalakal, ang tagasindi ng ilaw, ang heograpo, ang ahas, at ang bulaklak sa disyerto.

TAGPUAN/PANAHON

          Dahil ang akda ay hango sa naging karanasan ng manunulat, masasabi natin na ito ay naganap sa Disyerto ng Sahara. Nabanggit din dito ang Planeta B-612 o 325, at maging ang iba’t ibang planeta.
          Walang tiyak na panahon kung kailan ito nangyari ngunit ang nobela ay unang nailimbag noong Abril 1943 kung saan ang mga pangyayari dito ay nagiging inspirasyon at aral nasaan ka man hanggang sa kasalukuyan.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

          Sa simula ng akda, bumagsak ang eroplano ng isang piloto sa Disyerto ng Sahara. Habang pinag-iisipan niya kung paano ito aayusin at kung saan siya makakahanap ng makakain at maiinom, dumating naman ang munting prinsipe. Nagpaguhit ito sa kanya ng isang tupa at pagkatapos ng ilang ulit ay nagustuhan na ito ng munting prinsipe. Habang inaayos ang eroplano, nagkwento ang prinsipe tungkol sa mga lugar na napuntahan at natutuhan niya. Nabanggit niya rin ang pagmamahal niya sa rosas at kung bakit siya umalis sa kanyang planeta. Nakakilala ang prinsipe ng isang alamid. Nang maamo na niya ito, nalaman niya ang tunay na mahalagang bagay sa ating buhay. Naghanap ng balon ang piloto at ang munting prinsipe. Nang makakita sila nito, mahahalata sa pananalita ng prinsipe ang pananabik na makabalik sa planeta nila upang makita ang rosas. Nakipagusap siya sa ahas para siya ay maibalik na sa kanyang planeta. At sa wakas, dumating na rin ang araw kung kailan nakabalik ang munting prinsipe sa kanyang daigdig dahil sa pagtuklaw ng ahas sa kanya. Ikinalungkot ng piloto ang pag-alis ng munting prinsipe. Sa pagdaan ng panahon, ang pangungulila ng piloto ay napupunan sa pagtingin niya sa mga bituin sa langit kung saan naaalala niya ang kanyang munting prinsipeng kaibigan.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
         
          Ang mga sumusunod ay mga ideya o kaisipang nakapaloob sa tula:
                            Ang pagkakaibigan ay nangyari sa isang tiyak na dahilan.
                            May isang tao o bagay ang mananatiling natatangi para sayo dahil ito ay may kakaibang taglay na halaga para sayo.
                            Ang mahahalagang bagay ay hindi nakikita o nahahawakan kundi nararamdaman ng puso.
                            Ang pagkakaroon ng relasyon ay nagtururo ng responsibilidad.

ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/PANITIKAN

          Gumamit ng mga larawan at simbolismo ang may-akda bilang istilo.
          May iba’t ibang teoryang pampanitikan din ang makikita sa akda. Ito ay ang mga sumusunod:
                            Imahismo - gumamit ang akda ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya at saloobin, at iba pang nais ibahagi ng may-akda.
                            Realismo - ang nangyari sa akda ay nangyayari talaga sa tunay na mundo

BUOD

          Isang lalaki ang nangarap na maging isang sikat na pintor. Subalit ito ay napalitan ng isang pangarap sa kadahilanang pinatigil siyang gumuhit at pinagsabihang magtuon na lamang sa Heograpiya, Matematika, kasaysayan at wika. Siya ay naging isang piloto ng sasakyang panghimpapawid . Nasira ang kanyang sasakyan sa isang disyerto sa Sahara. Sa kanyang pagkukumpuni ng eroplano, kanyang nakita ang isang batang lalaki at may suot na prinsipe. Isang bata na naligaw sa gitna ng disyerto. Marami itong
naikwento tungkol sa kanyang buhay, sa planetang kanyang tinitirahan, at sa planetang siya lamang ang nakatira . Maliit lamang ito. Halos maiikot mo lamang ng isang minuto. Naikwento rin niya ang iba’t ibang taong kanyang nakasalamuha nang siya’y maglakbay. Iba’t iba ang mga ito: may pag-uugaling kung minsan ay masama o mabuti, may pag-uugaling nakasanayan nang gawin, ang iba ay seryoso ,nakakalungkot at
nakawiwili. Naransan rin niyang mainggit sa ibang taong kanyang nakakasalamuha. Hanggang isang araw na pag bisita sa isang planetang kakaiba sa kanya at sa iba pang planeta. Natagpuan niya dito ang isang Heograpo. Isang Heograpo ngunit kakaiba ang gawain . Tinuro sa kanya ang kagandahan ng buhay at paligid. Sa kanilang paglalakbay, napag-isipan ng piloto na bumalik sa eroplano at ayusin ito. Habang nakaupo ang prinsipe sa ibabaw ng nakatayong pader, may isang ahas ang dumating. Kinakaibigan niya ito subalit bigla itong tinuklaw. Sa kagustuhan man ng
piloto na iligtas ang kaibigang prinsipe, hindi naging madali ito. Namatay ang prinsipe subalit itinatak ng piloto sa kanyang puso’t isipan na nagkaroon siya ng kaibigan na naging isang tagapagpayo at maaalalahanin na nariyan lang at nakaalalay sa kanya kahit kailan.

60 comments:

  1. Guro po ba kayo sa Filipino? Napakahusay ng pagkakssulat ng .ga pagsusuri. Mstaas ang antas. Bagamat mababaw lang ang tema ng nobela, naitaas mo ito. Salamat sa kagalingsn mo. God bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po mababaw ang tema ng nobela, maaaring hindi niyo lang po ito inintindi.

      Delete
  2. May nakatagong mahahalagang kahulugan at magandang aral sa buhay,lalo na ngayong may pandemya,para tayong nasa disyerto ng kawalan,pero may pag asa pa rin😊😊😊

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Good day,
    I am a linguist and I work at University, in Italy. I am writing a book about linguistic features of the book The Little Prince. It is the most translated book in the world (after the holy books). I am looking for this edition Year 1965. Can you help me to find a copy on sale? Thank you so much. Regards
    Federico federico.covers@gmail.com

    ReplyDelete
  9. Bakit po umalis Ang prinsipe sa kanilang planeta

    ReplyDelete
  10. Ano pong anapora at katapora nitong kwento?

    ReplyDelete
  11. ano yung damdamin, pananalita at simbolismo nito

    ReplyDelete
  12. Sa paanong paraan ang prinsipe ay inaalala ng kaibigan nitong piloto?

    ReplyDelete
  13. Ano po yung kulturang masasalamin sa kwento?

    ReplyDelete
  14. Andito ako para hanapin yung sagooooot pero bakit Wala HAAHHSHSH

    ReplyDelete
  15. laro po tayo valorant add nyo ako SlushyMilk#6566

    ReplyDelete
  16. Ano po Yung pataas na aksiyon
    At kasukdulan

    ReplyDelete
  17. Ano p Yung pataas na aksiyon at kasukdulan

    ReplyDelete