ANG MUNTING
PRINSIPE
Isinalin ni
Desiderio Chin
Isinulat ni
Antoine de Saint-Exupery
PAGKILALA SA MAY
AKDA
Kahit ang kwentong “Ang Munting
Prinsipe” ay isa lamang kathang-isip, ang mga naranasan ni Antoine de
Saint-Exupery bilang isang piloto ay naging inspirasyon upang isulat niya ang
akda. Nagsimula ang istorya sa pagbagsak ng eroplano kung saan nakilala ng
tagapagsalaysay ang pangunahing tauhan, ay sumasalamin sa totoong kasawian na
nag-iwan sa may akda sa Sahara noong kalagitnaan ng 1930s habang siya ay
patungo sa Saigon mula Paris para sa isang airmail run. Kalaunan ay sinabi sa
TIME, “Base sa katangian, habang naghihintay ng magsasagip sa disyerto,
sinamahan siya ng kanyang imahinasyon, na nag-udyok sa kanya upang gawin and
kasiya-siyang pambatang akda, Ang Munting Prinsipe.” Siya’y
nagpalakad-lakad sa disyerto bago siya masagip ng dumadaang Bedouin.
Bago
humantong sa pagsulat ng Ang Munting Prinsipe, inilarawan niya ang kanyang
naging pagsubok sa librong “Wind, Sand, and Stars”. Ang matinding naranasan
niya sa disyerto ay nauwi sa maraming guni-guni at haka-hakang pagkatagpo sa
mga kakaibang nilalang. (“Lumakad akong nakatingin sa ibaba”, sabi niya, “sa
pagkat ang aking mga nakikita ay hindi ko na kinakaya.”) Ngunit ang librong
Wind, Sand, and Stars ay nagsasabi nang higit pa sa inspirasyon ng Ang Munting
Prinsipe. Ipinaliwanag din ng TIME noong 1939 sa kanilang pagsusuri sa aklat na
may mga pahiwatig sa pilosopiya na makakatulong sa akda bilang maging isa sa
pangmatagalang pabula ng dalawampung siglo.
URI NG PANITIKAN
Isinulat ng
may-akda ang mahabang piksyon bilang isang nobela kung saan ito ay nahati sa
iba’t ibang kabanata. Gumamit ito ng malikhain at maguni-guning paglalahad
upang pumukaw ng damdamin ng mambabasa para ito’y maging kawili-wili. Ito ay
mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng pangyayari na pinaghahabi sa
isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila.
Ito ay
naglalayong gumising ng diwa at damdamin ng mambabasa gayundin ang manawagan sa
talino at guni-guni, mapukaw ang damdamin ng mambabasa, magbigay ng aral,
magsilbing daan tungo sa pagbabago, at higit sa lahat, magbigay ng inspirasyon
sa mambabasa.
LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin
ng may-akda ay matutuhan ng mga mambabasa na kailanman ay hindi aksidente ang
pagkakaibigan. Na sa kabila ng pagkakaparepareho, may isang tao o bagay ang
mananatiling natatangi para sayo dahil ito ay may kakaibang taglay na halaga
para sayo.
Sabi nga ng
alamid, “Narito ang lihim ko. Napakasimple nito: sa pamamagitan ng puso,
makakakitang mabuti. Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay.” Nais
nitong ipaalam sa mga mambabasa na ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi
nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema o
paksa ng akda ay tungkol sa mga sumusunod: pagpapahalaga ng pagkakaibigan,
hindi pagkakaroon ng makitid na pag-iisip, paglalakabay, adbentura, at
pagkakaroon ng relasyon na nagtuturo ng responsibilidad.
MGA KARAKTER/TAUHAN SA AKDA
Ang
pangunahing tauhan sa kwento ay ang piloto kung saan siya ang nagsasalaysay ng
kwento. Nariyan din ang munting prinsipe na bida sa kwento na nagmula sa ibang
planeta. At ang huli ay ang alamid kung saan siya ang nagturo sa prinsipe ng
napakahalagang bagay.
Ang iba pang
mga tauhan ay ang mga sumusunod: ang rosas, ang hari, ang hambog, ang lasenggo,
ang mangangalakal, ang tagasindi ng ilaw, ang heograpo, ang ahas, at ang
bulaklak sa disyerto.
TAGPUAN/PANAHON
Dahil ang
akda ay hango sa naging karanasan ng manunulat, masasabi natin na ito ay
naganap sa Disyerto ng Sahara. Nabanggit din dito ang Planeta B-612 o 325, at
maging ang iba’t ibang planeta.
Walang tiyak
na panahon kung kailan ito nangyari ngunit ang nobela ay unang nailimbag noong
Abril 1943 kung saan ang mga pangyayari dito ay nagiging inspirasyon at
aral nasaan ka man hanggang sa
kasalukuyan.
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Sa simula ng
akda, bumagsak ang eroplano ng isang piloto sa Disyerto ng Sahara. Habang
pinag-iisipan niya kung paano ito aayusin at kung saan siya makakahanap ng
makakain at maiinom, dumating naman ang munting prinsipe. Nagpaguhit ito sa kanya
ng isang tupa at pagkatapos ng ilang ulit ay nagustuhan na ito ng munting
prinsipe. Habang inaayos ang eroplano, nagkwento ang prinsipe tungkol sa mga
lugar na napuntahan at natutuhan niya. Nabanggit niya rin ang pagmamahal niya
sa rosas at kung bakit siya umalis sa kanyang planeta. Nakakilala ang prinsipe
ng isang alamid. Nang maamo na niya ito, nalaman niya ang tunay na mahalagang
bagay sa ating buhay. Naghanap ng balon ang piloto at ang munting prinsipe.
Nang makakita sila nito, mahahalata sa pananalita ng prinsipe ang pananabik na
makabalik sa planeta nila upang makita ang rosas. Nakipagusap siya sa ahas para
siya ay maibalik na sa kanyang planeta. At sa wakas, dumating na rin ang araw
kung kailan nakabalik ang munting prinsipe sa kanyang daigdig dahil sa
pagtuklaw ng ahas sa kanya. Ikinalungkot ng piloto ang pag-alis ng munting
prinsipe. Sa pagdaan ng panahon, ang pangungulila ng piloto ay napupunan sa
pagtingin niya sa mga bituin sa langit kung saan naaalala niya ang kanyang
munting prinsipeng kaibigan.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang mga
sumusunod ay mga ideya o kaisipang nakapaloob sa tula:
• Ang pagkakaibigan ay nangyari sa
isang tiyak na dahilan.
• May isang tao o bagay ang
mananatiling natatangi para sayo dahil ito ay may kakaibang taglay na halaga
para sayo.
• Ang mahahalagang bagay ay hindi
nakikita o nahahawakan kundi nararamdaman ng puso.
• Ang pagkakaroon ng relasyon ay
nagtururo ng responsibilidad.
ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/PANITIKAN
Gumamit ng
mga larawan at simbolismo ang may-akda bilang istilo.
May iba’t
ibang teoryang pampanitikan din ang makikita sa akda. Ito ay ang mga sumusunod:
• Imahismo - gumamit ang akda ng mga
imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya at saloobin, at
iba pang nais ibahagi ng may-akda.
• Realismo - ang nangyari sa akda ay
nangyayari talaga sa tunay na mundo
BUOD
Isang lalaki
ang nangarap na maging isang sikat na pintor. Subalit ito ay napalitan ng isang
pangarap sa kadahilanang pinatigil siyang gumuhit at pinagsabihang magtuon na
lamang sa Heograpiya, Matematika, kasaysayan at wika. Siya ay naging isang
piloto ng sasakyang panghimpapawid . Nasira ang kanyang sasakyan sa isang
disyerto sa Sahara. Sa kanyang pagkukumpuni ng eroplano, kanyang nakita ang
isang batang lalaki at may suot na prinsipe. Isang bata na naligaw sa gitna ng
disyerto. Marami itong
naikwento tungkol sa kanyang buhay, sa planetang kanyang
tinitirahan, at sa planetang siya lamang ang nakatira . Maliit lamang ito.
Halos maiikot mo lamang ng isang minuto. Naikwento rin niya ang iba’t ibang
taong kanyang nakasalamuha nang siya’y maglakbay. Iba’t iba ang mga ito: may
pag-uugaling kung minsan ay masama o mabuti, may pag-uugaling nakasanayan nang
gawin, ang iba ay seryoso ,nakakalungkot at
nakawiwili. Naransan rin niyang mainggit sa ibang taong
kanyang nakakasalamuha. Hanggang isang araw na pag bisita sa isang planetang
kakaiba sa kanya at sa iba pang planeta. Natagpuan niya dito ang isang Heograpo.
Isang Heograpo ngunit kakaiba ang gawain . Tinuro sa kanya ang kagandahan ng
buhay at paligid. Sa kanilang paglalakbay, napag-isipan ng piloto na bumalik sa
eroplano at ayusin ito. Habang nakaupo ang prinsipe sa ibabaw ng nakatayong
pader, may isang ahas ang dumating. Kinakaibigan niya ito subalit bigla itong
tinuklaw. Sa kagustuhan man ng
piloto na iligtas ang kaibigang prinsipe, hindi naging
madali ito. Namatay ang prinsipe subalit itinatak ng piloto sa kanyang puso’t
isipan na nagkaroon siya ng kaibigan na naging isang tagapagpayo at
maaalalahanin na nariyan lang at nakaalalay sa kanya kahit kailan.
Guro po ba kayo sa Filipino? Napakahusay ng pagkakssulat ng .ga pagsusuri. Mstaas ang antas. Bagamat mababaw lang ang tema ng nobela, naitaas mo ito. Salamat sa kagalingsn mo. God bless
ReplyDeletehindi po mababaw ang tema ng nobela, maaaring hindi niyo lang po ito inintindi.
Deleteano po ang aral dito?
Deleteganda'
ReplyDeleteNaol
ReplyDeleteMaganda
ReplyDeleteMay nakatagong mahahalagang kahulugan at magandang aral sa buhay,lalo na ngayong may pandemya,para tayong nasa disyerto ng kawalan,pero may pag asa pa rin😊😊😊
ReplyDeleteGanda
DeleteUmay
ReplyDeletetalaga ba?
DeleteTANGINAMO
Delete--
tang ina mo din
DeleteUmay lodz
Deletenaol may ganong kaibigan
ReplyDeleteUmay
ReplyDeleteumay nga
DeleteUmay nga
DeleteNgek
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteWhy?
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteoo
ReplyDeleteumay sabi ni boss dogs
ReplyDeleteBOBO KA
Deleteumay sabi ni boss dogs
DeleteWEIRDO
Delete1v1 nalang league of zombies garden warfare 2.0 no clap
DeleteLuh
Deletebaka renejay to
DeleteCorny mo putang ina ka
Delete1V1 LOL
ReplyDeleteANO PALAG?
ReplyDelete1v1 bullfight
ReplyDeleteGood day,
ReplyDeleteI am a linguist and I work at University, in Italy. I am writing a book about linguistic features of the book The Little Prince. It is the most translated book in the world (after the holy books). I am looking for this edition Year 1965. Can you help me to find a copy on sale? Thank you so much. Regards
Federico federico.covers@gmail.com
banghay
ReplyDeleteBakit po umalis Ang prinsipe sa kanilang planeta
ReplyDeleteisa karin magbasa ka para malaman mo
DeleteAno pong anapora at katapora nitong kwento?
ReplyDeleteano yung damdamin, pananalita at simbolismo nito
ReplyDeleteYun na yun?
ReplyDeleteSana ol
ReplyDeleteSa paanong paraan ang prinsipe ay inaalala ng kaibigan nitong piloto?
ReplyDeletemagbasa ka kasi
DeleteAno po yung kulturang masasalamin sa kwento?
ReplyDeletethanks po laking tulong
ReplyDeleteAndito ako para hanapin yung sagooooot pero bakit Wala HAAHHSHSH
ReplyDeleteLabyu ol
ReplyDelete......
ReplyDeletemiss ko na siya
ReplyDeletelaro po tayo valorant add nyo ako SlushyMilk#6566
ReplyDeleteAno po Yung pataas na aksiyon
ReplyDeleteAt kasukdulan
Ano p Yung pataas na aksiyon at kasukdulan
ReplyDeleteAno ang pangyayari
ReplyDeleteganda
ReplyDeletekultura ng nilalaman
ReplyDeletekultura
ReplyDeleteMay tugon po ba kayooooo
ReplyDelete