Monday, November 26, 2018

pagsusuri ng akda - Liongo (mito mula sa Kenya)


PAGKILALA SA MAY-AKDA
Walang manunulat ang akdang ito sapagkat ito ay matagal na panahon nang naisulat sa Kenya. Ang nagbuod sa wikang Filipino ay si Marina Gonzaga-Merida.

URI NG PANITIKAN
Tuluyan (Mito)
Ang pangunahing tauhan na si Liongo ay may kakaibang lakas at kapangyarihan. Siya ay isang higante at hindi agad-agad mamamatay.

LAYUNIN NG AKDA
Layunin ng akda na ipaliwanag sa mga mambabasa ang kasaysayan, kultura at mga paniniwala ng mga taga-Africa. Ang sistema ng pamumuno sa Kenya ay naisaad sa mito, pati na rin ang mga pook ay totoo.


TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang akda ay may kaugnayan sa temang pagkakanulo. Ipinakulong ni Sultan Ahmad (pinsan ni Liongo) si Liongo. Sa bandang wakas, si Liongo ay pinatay ng sarili niyang anak.
                                   

MGA TAUHAN
·         Liongo – isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan ng Swahili at Pokonio sa silangan ng Kenya
·         Mbwasho – ina ni Liongo; Siya lamang ang nakaaalam ng lihim ng kanyang anak (Liongo)
·         Sultan Ahmad – pinsan ni Liongo; Nais niyang mawala si Liongo, kaya naman ipinakulong niya ito at ikinadena.


MGA TAGPUAN O PANAHON
·         Pitong bayan sa baybayin ng Kenya
·         Tana Delta
·         Shanga sa Fosa, isla ng Pate


BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


PANIMULA - Si Liongo ay isinilang sa isa sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya. Siya ay may taglay na lakas at kasintaas ng higante. Hindi siya nasasaktan ng anumang sandata ngunit kapag ang isang karayom ay naiturok sa kanyang pusod, siya ay mamamatay. si Mbwasho (kanyang ina) lamang ang nakakaalam nito.
 PAGTAAS NG PANGYAYARI - Si Liongo ay hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, Isla ng Pate. Subalit ang hinirang na hari ay hindi siya, bagkus ang kaniyang pinsang si Sultan Ahmad. Maaring nagkagayon dahil sa impluwensiya ng Islam. Maaaring nang dumating ang Islam ay nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng paghalili o pagpapalit ng pamunuan sa trono mula sa matrilineal tungo sa patrilineal. Ang matrilineal na sistema ng pamumuno ay nakabatay sa angkan ng kababaihan (ina tungo sa anak na babae).Samantala, ang patrilineal na sistema ng pamumuno ay batay sa kalalakihan (ama tungo sa anak na lalaki).
KASUKDULAN - Nais ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo, kaya ibinilanggo niya ito at ikinadena. Isang mahaba at papuring awitin na kaniyang nilikha (Liongo) at inawit ng mga tao sa labas ng bilangguan. Ang koro ng awitin ay nakalikha ng malakas na ingay na kumalag sa tanikala ni Liongo nang hindi naririnig ng mga bantay. Nang nakitang nakawala sa bihag, nagsitakas ang mga guwardiya dahil sa takot sapagkat hindi nila kayang talunin si Liongo.
KAKALASAN -  Nagtungo si Liongo sa kagabutan at nanirahan doon kasama ang mga Watwa,ang mga nananahan sa kagubatan. Natuto si Liongo na pandayin ang kaniyang kasanayan, sa paghawak ng busog at pana. 
WAKAS - Kakaunti lamang ang mga datos tungkol sa mga tagumpay ni Liongo sa pakikipagdigma laban sa Galla (Wagala), kung saan ang hari nito ay nagpasyang ipakasal ang kaniyang anak na babae kay Liongo upang mapabilang ang bayani sa kaniyang pamilya. Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na kalaunan ay nagtaksil at pumatay sa kaniya.

IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Minsan kahit ikaw na ang pinakamalakas, pinakamakapangyarihan, kahit bayani ka pa, may mga tao paring kagagalitan at ipagkakanulo ka. Kung minsan, ang mga malalapit pa sa buhay mo ang gagawa ng masama sayo.

TEORYANG PAMPANITIKAN

·         TEORYANG KLASISMO – Ang bawat kabanata ng mitong ito ay naitatak at napanatiling buhay sa pamamagitan ng mga awitin at pagsasaling-dila.  
·         TEORYANG DEKONSTRUKSYON – Sa mga mito, ang pangunahing tauhan ang binibigyang dangal at papuri. Ngunit sa mitong ito, kabaliktaran ang nangyari. Si Liongo ay kinaiinisan ng marami.
·         TEORYANG HISTORIKAL – May mga kultura at paniniwala ang mga taga-Africa na nabanggit dito. (matrilineal at patrilineal)


BUOD

Si Liongo ay ipinanganak sa ikapitong bayan sa baybayin ng Kenya. Siya ay may natatanging lakas at kasintaas ng isang higante. Hindi siya nasasaktan o nasusugatan ng anumang sandata ngunit kapag itinurok ang isang karayom sa kaniyang pusod, siya ay mamamatay. Siya at ang inang si Mbwasho lamang ang nakakaalam nito. Si Liongo ay hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, isla ng Pate. Subalit ang hinirang na bagong hari dito ay hindi siya, bagkus ang kaniyang pinsang si Sultan Ahmad. Nais ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo, kaya naman ipinakulong niya ito ay ikinadena. Isang mahabang awitin na kaniyang nilikha ang inawit ng mga tao sa labas ng bilangguan. Ang koro ng awitin ay malakas kaya naman niyanig at kumalag ang tanikala ni Liongo nang hindi naririnig ng mga bantay. Nagtungo si Liongo sa kagubatan at nanirahan doon kasama ang mga Watwa, ang mga naninirahan sa kagubatan. Natuto si Liongo na gumamit ng busog at pana. Kalaunan, siya ay nanalo sa paligsahan ng pagpana na binalak pala ng isang hari upang siya ay mahuli. Siya ay muling naibilanggo at muli ring nakatakas. Ang hari ng Galla (Wagala), ay nagpasyang ipakasal si Liongo at ang anak na babae nito upang maging ganap na bayani sa kaniyang pamilya. Nagkaroon sila ng anak na lalaki na kalaunan ay nagtaksil at pumatay kay Liongo. 

No comments:

Post a Comment